si lola kikay
birthday ngayong araw ng isa sa pinakamamahal kong babae sa aking buhay..isa sya sa mga pinagkakautangan ko kung bakit ako ay ako ngayon…bahagi sya ng aking pagkatao at mananatili iyon hangang akoy pumanaw.. Siya si lola kikay..
Franscisca Pelagio Velchez ang tunay na pangalan ni lola at anak niya ang tatay ko,dahil mejo bata pa at nagtatrabaho ang aking mga magulang noong akoy ipinanganak , akoy lumaki sa mga lolo at lola ko. Masasabing lolas boy ako..spoiled sabi ng ilan eh malay ko ba e sa musmus kong isipan ay akala ko superwoman si loa..kayang gawin lahat. naalala ko nung bata ako, ewan siguro frustration nya na wala syang anak na pari..o dala ng pagkarelihiyosa nya na tuwang tuwa sya pag binibihisan akong ng puting kumot na parang sotana..andyan pang igawa nya ako ng mini chapel at doon magmimisa misa ako…hehehe infairness na enjoy ko naman. Ganun si lola simple, mababaw ang kaligayahan, mababaw din ang luha…konting drama lang umiiyak agad..pag may naririnig na nag aaway umiiyak agad, pero hindi rin sya mahina..malakas in and out ang lola…binuhay nya ang kanyang mga anak habang si lolo ay nakikigyera noong world war 2, katuwang si lolo binuhay nila at naigapang sa pagaaral ang SIYAM na anak sa kabila ng kahirapan…matapang ang lola…nilaban nya ng makailang taon din ang Cancer…osteoprosis..masakit, isa sa napakasakit na karamdamang uukit sa buti…pero nilabanan nya ito ng buong katapangan hangang sa huli.
Napakarami kong dapat ipagpasalamat kay lola…. Lola kikay salamat po sa:
mga gabi na "sinisiksisk" nyo ang aking buhok at kinukwentuhan nyo kami about sa mga pangmamaligno sainyo sa bukid..
sa mga cooking oil na ipinpahid nyo sa ulo ko pag walang baby oil…para cute pa rin ako sa skwela
sa pangungulit mo sa aking matutong maghugas ng pinggan, maglaba, magluto at kung anu anu pang gawaing bahay..kasi sabi mo hindi lahat ng oras ay nasa tabi ko ikaw.
sa pagtira mo ng pagkain sa akin lalo na yung masasarap lalo na pag nagkakaubusan hehehe.
sa pagyaya mo sa aking makikagat sa sinabing mong TSOKOLATE na nakabalot sa gift wrapper na sa kalaunay nadiskobre kong FOUNTAIN pala na paputok..buti na lang maagap si tiyo obet..we had a gud laugh den.
sa pag sama mo sa akin sa bagamanoc,kahit wala sa plano dahil na rin sa pagtatantrums ko..salamat sa 3 oras na pagupo ko sa lap mo.sori na rin sa inconbinyens
sa pag palo mo sa akin tuwing nangungupit ako sa wallet mo ng barya..malaki ang natutunan ko promiz
sa mga nagastos mong pera sa akin… sa mga money contest na pinilit akong isali sa skul..sa mga damit at laruan at mga pasalubong everytime galing kang saud(market)
sa alam kong kasiyahang naibibigay ko sayo pag mayroon akong award sa skwelahan
sa pagtatanggol o saken pag pinapagalitan ako nina pa nina auntie.. sa mga famous line mong" bata yan"
sa tawag mo sa akin pag nagaglit ka "herberto"
sa value ng pagka DI makasarili..na lahat ay welcome sa bahay at compound natin..sino man yan ilan man yan..always welcome sa atin kahit matulog na kayo sa sahig
lola kadakur pang iba di sasapat ang blog sa mga bagay na maliliit at insignipikante sa iba pero sa akin ay malaki ang naiambag kung sino at ano ako ngayon..salamat..kung ahin ka man salamat ta aram kong ajan ka pa man syempre para sa amo..
April 11th, 2007 at 8:54 pm
naks…totoo nga naman na ikaw talga alaga nila lola kikay noon. alala ko pa nuong bata ka pa, sa bagamanoc ka man nuon palagi. pag matutulog na kaw katabi ni lola kikay nun. mahilig nga talga siya magkuwento ng mga tungkol sa maligno, duwende, mananangal (fly-fly-fly like a butterfly nga daw), kapre, etc. Pag dumarating din kami nun sa catanduanes, alala namin ni ate faye, pumupunta siya agad sa Bato para kunin na kami, hehe, kahit na kakarating pa lang namin sa bato,hehe. madalas din kami mamili nuon sa saud..lalo na nung ang bahay pa nuon sa virac malapit lang sa sementeryo. palagi din kaming bumibili ng bayabas..ang bayabas nun naka tali lang sa stick, kaya nung isang beses pagdating namin sa bahay wala na yung bayabas, isa-isang nalaglag sa stick habang naglalakad pala kami..hehe. siya din nagpagaling sa LBM ko nun, sa kaniya ko natutunan yung coke na hinahaluan ng gawgaw. hehe. haay..kahit na nasa ospital na siya nun nagagwa pa din niya magpatawa. haay. umiyak siya nung paalis na siya pauwi ng virac, naluluha siya kasi yun na daw ang huling beses niya na makikita niya kami ni ate faye…haay, nakakamiss pero yan talga ang buhay..lahat tayo dun papunta. kaya kailangan din gayahin din natin siya, na mayrong naging impact sa buhay ng iba…parang ganun..para kung mawala man din tayo meron ding maikukwento ang ating mga kaibigan, kamag anak, apo, mga asawa (hehe) tunkol sa atin kapag tayo naman ang magpaalam. ayun.
ingat palagi pala tska tandaan din palagi na when it comes sa mga “important decision making” lalo na yung may impact sa future natin pati sa family or future family, or sa buhay, maganda na palipasin muna ang isang araw, para makapag nilay-nilay muna, before u make the decision. kasi kung anoman ang maging decision mo ngayon will affect kung san ka patungo bukas. ayun.(get-it-get-it?)