Archive for March, 2007

wag mag deny..dont tell a lie..amin

Friday, March 23rd, 2007

Kamakailan lamang ay lumabas ang resulta ng surevy na ginawa ng Social Weather Station na nagsasabing 19% ng pamilyang pilipino ay nakaranas ng guton sa nakalipas na tatlong buwan. Noong nakaraang taon 15 percent na ang bilang ng nagugutom, na ang ibig sabihiy lumukso ng apat na porsyento ang mga tom jones na pinoy.. astig huh.

Pero wag ka etong mas nakakapraning, sabi ni gloria sa isang televised na talakayan mali daw ang pamamraang ginamit ng SWS kaya nagkaganun ang resulta. Ang tanong kasi ng SWS ay:  “Nitong nakaraang tatlong buwan, nangyari po ba na kahit minsan na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at wala kayong makain? Kung oo, nangyari po ba iyan ng minsan lamang, mga ilang beses, madalas o palagi?” ang argumento ni gloria eh kung ganyan din lang ang labanan maging sya man daw ay paminsan minsang di nakakapananghalian kaya sya man daw aqy biktima ng gutom….

ULOL talaga si Gloria. ikumpara  ba ang nakakaraming pinoy sa kalagayan ng marangyang pamumuhay nila.. e pakialam ko kung di ka minsan kumakain..ang punto eh ang RASON kung bakit di nakakakain. Si gloria hindi nakakakain dahil busy sa pangungurakot, pagpapayaman, panunupil sa ating mga karapatan, Ang mamamayan hindi nakakakain dahil walang pera, kakarampot ang sahod, napakamahal ng mg buwis. YUN ang kaibahan. Gloria has a Choice between eating or not, the people have no choice but to stare at empty plates because of lack of money to buy some foods.

Sabi pa ni Gloria at ng mga taga malakanyang, imposible daw yun kasi gumugulong naman daw ang mga programa ng pamahalaan..tsk tsk tsk yan na nga bang sinasabi ko eh NANINIWALA NA SILA SA SARILI NILANG KASINUNGALINGAN. Hoy di kami uto uto na maniniwala sa mga 8 in 08 programs nyo… Mamuhunan daw sa tao …ang siste ginugutom nyo ang tao..pinapatay nyo ang tao… pinupuhunan nyo ang tao para sa kapakinabangan ninyo…

According to the latest Social Weather Stations survey, 53% of household heads rated their families as "poor." …alam nyo na ang isasagot ni Gloria at ng malakanyang….liers go to hell

mga world record achiements ni GMA

Friday, March 23rd, 2007

astig talaga ang GLORIA administration biruin mo ha ginawa nyang number wan as in numero uno ang pinas…ayon sa survey ng Political and Economic Risk Consultancy (PERC) ang Pilipinas sa ngayon ang Pinaka CORRURT na bansa sa ASYA, whew biruin nyo last year second tayo…guyysss ngayon UNA na we are on the TOP, nakakaiyak. Anyway hindi naman bago yan kay Gloria basta usapang masasama buhat buhat nya tayo paitaas. Gusto nyo ng sampol: ayon sa International Federation of Journalists at ibat iba pang mga liga ng mamamahayag sa buong mundo Pangalawa as in 2nd ang Pinas sa pinakamaraming bilang ng pinapatay na Media practitioner. Eto pa Number one na rin tayo at sabi ng Amnesty International at Human Rights Watch umabot na sa Grabeng Nakakaalarmang Antas ang serye ng Paglikida sa mga aktibista at pinaghihinalaang kontra sa pamamamahala ni Arroyo. Wow ang daming achievements ni MAAM.

Youth group to pols: put your “platapormas” in black and white

Thursday, March 15th, 2007

re post from the march14 issue of the catanduanes tribune, www.catanduanestribune.com

Youth group to pols: put your “platapormas” in black and white

March 15,2007

Saying that the youth are becoming auditory-impaired with the politicians’ sudden voice of concern towards the youth, the Catanduanes Chapter of Kabataan Partylist , the only sectoral youth party running this May polls, asked that politicians sign a social contract to prove their sincerity.

"Candidates often use the word Kabataan and Edukasyon in their campaign advertisements, and we are not surprised. Definitely, these politicians are courting the youth vote thus the bombardment of platforms that are pleasant to hear, but the youth are not gullible enough to believe them instantaneously and wholly," Kabataan said in a statement.

The group said that in the face of latest surveys indicating that many youth today have not shown much interest in participating in the upcoming midterm election, it is undeniable that the youth sector is still a force to reckon with.

"We dare candidates to put into paper their platforms for the youth. Sign a waiver or anything to this effect that would warrant payback measures. The people have been fooled many times already. It’s high time that the youth put a stop on this, and demand accountability," it added.

The statement also asked candidates to condemn the unabated increase in tuition and other fees, the ever decreasing budget for education and healthcare and its disparity to debt servicing and military budgets and the commercialized, colonial and repressive educational system in the country.

"If these candidates are really for the youth, then they should stop their empty rhetoric and vague pronouncement. We need concrete plans and their political will," Kabataan said.

On the other hand, the Kabataan Partylist is determined to win a seat in congress through the party list system. Having campuses and "tambayans" as their headquarters, the group launched a high tech, unorthodox, and according to them, "matipid" campaign strategy. Tapping the help of celebrity members of their group like Angel Locsin, Ciarra Sotto, the Brownman Revival and Dennis Trillo to name a few, they produced a two-minute video stating what they called as the Youth Agenda this election. It can be uploaded in www.youtube.com and so far ranked 35th in the most viewed category. Kabataan also have their own web site designed by students from different universities in manila and can be accessed at www.kabataanparty.com. It contains all the information about the said party.

hindi mapipigil ang pagsikat ng araw

Thursday, March 15th, 2007

Satursticker_8

IKULONG ANG MANDARAYA,KURAKOT AT MAMAMATAY TAONG SI GLORIA ARROYO HINDI SI KA SATUR OCAMPO….

sino ba ang isang saturnino ocampo, sya na ang pakuwentuhin natin. mula sa transkrip ng kanyang panayam sa PIPOL;

Ako si Satur Ocampo, kongresista, aktibista.

Apat na dekada na akong nakikibaka sa lansangan, sa peryodiko, sa bundok, noon, sa Kongreso naman ngayon.

Pero nagsimula ang lahat noong nasa Grade 4 ako.

‘Yung kalaban ko sa scholarship anak ng principal ng elementary school na kakompetensiya ko hanggnag high school. At palagi akong nalalagay sa 2nd honor bagamat ang tingin ko sa grades at extracurricular activities lamang ako [nagkukulang].

At dahil magbubukid lang ang tatay ko at mayaman ang kaklase ko, salutatorian lang ako nagtapos.

Lumuwas ako ng Maynila, bitbit ang pagnanasang maging pantay ang pagkakataon para sa mayaman at mahirap.

Hindi ako naging doktor gaya ng pinangarap ko.

Ako’y naging mamamahayag.

Sumapi ako sa Kabataang Makabayan, nagprotesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis at political repression.

Nang magdeklara ng martial law, sumali ako sa underground, itinayo ang National Democratic Front at itinaguyod ang aking pangalawang pamilya.

Payak ang kasal namin ni Bobbie Malay.

"Sa isang maid’s room, dun kami kinasal pagkatapos gaya sa lahat ng bagay sa kilusan ang haba-haba ng discussion."

Sa underground movement isinilang si Silahis at Antonio, mga bunga ng pagmamahalan at ng aming pinaglalaban.

Pero nahiwalay ako sa kanila nang ako’y arestuhin.

Tiniis ko ang torture.

Ang dinaanan kong torture — electric shock sa katawan, karate, buntal, umpog sa ulo, paso ng sigarilyo sa nipples, sex organ, toenails, ganun.

Pero ang hindi ko matiis, ang pagkawalay ko sa pamilya.

Dahil ako namumuno sa political prisoners, dadalaw ang mga anak ko ‘yan sina Anton. ‘Pag nagdatingan lahat ng pamilya na may problema dumudulog sila sa ‘kin. Naubos time ko habang ang mga anak ko naghihintay, ‘di ko maasikaso. Nagtatampo sila, umiiyak ako pag wala sila.

Pati mga anak ko, nag-rally para sa aking paglaya.

Pero matigas ang ulo ni Marcos kaya sa aking ika-siyam na taon, tumakas ako.

Nung sumunod na national convention ng Press Club binigyan uli ako ng pass, sinamantala ko na. Matapos ako bumoto dun sa election ginamit ko ang service stairs mula 4th floor dun ako lumusot…bumalik ako underground.

Una akong lumitaw nung 1986 peace talks. Pero walang nangyari duon kaya nag-underground ako ulit.

Makalipas ang tatlong taon, arestado kaming mag-asawa.

Taong 1992 na nang mapawalansala kami sa mga kasong murder, kidnapping at illegal possession of firearms.

Taong 1999, itinayo namin ang Bayan Muna.

Una matanda na rin kami at may gustong balikang pamilya at nakita namin na may magagawa sa hayag na kilusan. Sigaw tayo nang sigaw sa labas kung ‘yung gumagawa ng batas sila-sila rin wala ring mangyayari, isang paraan ay pasukin na natin ‘yon.

Sinasabi sa pakikibaka, pinakamataas na uri ‘yung armado kase ‘yun ‘yung pinakamataas na sakripisyo.

Pero kung mahirap sa bundok, mahirap din sa Kongreso.

Kakaibang bakbakan ang meron dito.

Lalahok sa bulok na pulitika, ipapasok ka sa koral ng babuyan, nagisisikap [kami na] maglinis ‘yan ang trabaho

‘Yung pork barrel ginagamit sa rally? Haha! nasagot na namin ‘yan. Wala silang katibayan [na ginagawa namin 'yan].

Batikos ng iba, nagiging trapo na raw ako, kinakain na ng sistema.

Pero ‘di pa rin ako nababayaran.

‘Di pa rin ako mayaman.

Simple lang ang bahay ko at isa lang ang kotse ko, luma pa.

On a regular basis ako naghahanda ng breakfast, naghuhugas ng pinggan.

Kapag hindi ako nagtatrabaho, ito ang ginagawa ko.

Naglilinis, naglalaba, nag-aayos ng gamit.

Kapag hindi ako aktibista, ako’y isang lolo, isang asawa at isang ama.

Sa Kongreso ang mga dating kalaban, ngayon nakakatabi ko na, kinakausap at kung minsan, ginawang kakampi.

Sa isang panahon sino ‘yung pangunahing umaapi at nagsasamantala sa kapangyarihan? ‘Yan ang labanan mo at patalsikin.

Pero hindi namin kinakalimutan ang ‘di pa nareresolbang usapin ng human rights violations sa panahon ni Marcos, kay Imelda, ganun din ‘yung plunder case laban kay Estrada.

Marami pa rin akong kabiguan.

Sa dami kong panukalang isinampa, kakaunti lang ang naipasa.

Eto ngang impeachment kay Gloria, naharang pa.

Kaya ngayon, balik-lansangan kami.

Pero binibilang namin ang aming maliliit na tagumpay.

Mas marami na ang nagpoprotesta.

Mas marami na rin ang mga botanteng naniniwala sa amin.

At sa Kongreso, may boses na ang masa.

Komunista raw ako.

Oo nga siguro, kung Komunista ang tawag sa mga naghahangad ng pagkakapantay-pantay ng tao, mayaman o mahirap.

Mahaba pa ang pakikibaka.

At baka hindi ko na abutan ang pinapangarap kong Pilipinas.

Pero habang nandito ako, tuloy ang laban sa kahit anong mapang-aping gobyerno.

ang maglingkod ng tapat at buong puso sa masa at sambayanan ay MARANGAL hindi kriminal.

sabi nga ng isang panawagan ng gabriela…mejo nakakatakot pero mapagbanta: DARATING DIN ANG ARAW MO