Archive for September, 2007

father and son…

Tuesday, September 18th, 2007

               

Pinasabog na ni joey de venecia, anak ni speaker jose de venecia ang BOMBA! Sa hearing ng blue ribbon committee kaninang umaga,pinangalanan na niya ang "mystery man" na umanoy kakuntsaba ni COMELEC Chairman Abalos sa pangungumbinse sa kanyang umatras na sa bidding upang makuha na ng ZTE Corporation ang mabantot na proyektong National broadband Network Project. Ayon sa blind item ay "malaking taong, malapit sa malakanyang bagamat hindi sya upisyal ng pamahalaan" walang iba kundi si Mike Arroyo! (ngek masyadong literal, BIG MAN nga) Malayo pa ang tatakbuhin ng usapin tungkol sa ZTE broadband deal, ang tiyak lamang dito ay una: isa na naman itong black eye sa pinangangalandakang gyerang nilulunsad ni Gloria laban sa kurapsyon, ikalawa interesante ang isyung ito sapagkat anak ng isang matalik na kaalyado sa kongreso ang bumangga sa asawa at mga tauhan ni gloria. alam naman nating hindi maiusad usad ang Impeachment laban kay GMA ay dahil kontrolado ng koalisyong pinamumunuan ni JDV ang mababang kapulungan. Pagmagkataon magkakasubukan sina JDV at GMA. kung sino ang mapapatalsik Abanagan…Pangatlo: May mga tao talagang iniinternalize ang kantang DI NA NATUTO, di pa kanuntento sa jose pidal accounts,pati broadband pinatos pa, grabe naman,kaya pala inatake de corazon eh grabe ang katakawan! at number four: ang CONJUGAL KLEPTOCRACY na ito ay magwawakas din . Pasasaan ba’t kakaladkarin din sila ng sambayanan sa kangkungan ng kasaysayan.

anayway kanina ay sinabi din ni joey de venecia na binantaan ni abalos na gagawan siya ng masama, sinabi pa umano ni abalos na bantay sarado nito ang bawat galaw ni de venecia dahil wina wire tap nya umano ito at inalok pa si de venecia ng transcript.—ngayong hapon lumabas ang RECORDED CONVERSATION  at TRANSCRIPT ng mag amang DE VENECIA, sa DZMM. Dito’y mapapansing wari bagay kinukumbinse ni JDV ang anak na maghinayhinay, subalit maririnig ang matatag na paninindigan ng anak na si joey.Narito ang Transcript:

JDV
It’s not time to make a change,
Just relax, take it easy.
You’re still young, that’s your fault,
There’s so much you have to know.
Find a girl, settle down,
If you want you can marry.
Look at me, i am old, but i’m happy.(masaya ang mokong sa staus quo, mula sa behest loans kay marcos hanggang sa mga pabor nya kay gloria swak si mickey mouse)

I was once like you are now, and i know that it’s not easy,
To be calm when you’ve found something going on.(gaya ng whats going on ryt now sa ZTE at iba pang anomalya)
But take your time, think a lot,
Why, think of everything you’ve got.
For you will still be here tomorrow, but your dreams may not.(pagnapaginitan tayo anak malalaglag ako sa pwesto at baka mamobre tayo…isipin mo yun)

JOEY
How can i try to explain, when i do he turns away again.
It’s always been the same, same old story.
From the moment i could talk i was ordered to listen.
Now there’s a way and i know that i have to go away.
I know i have to go.(he has to go to the senate, leche an sakit nga naman sa pride nun, biruin mong duru durin ka ng isang mukhang baboy gaya ni mike para paatrasin ka s abidding..ouch!)

JDV
It’s not time to make a change,(kahit gusto ko ng charter change)
Just sit down, take it slowly.
You’re still young, that’s your fault,
There’s so much you have to go through.(learn the craft anak, sa mundo ng pulitika at panggaganch este negosyo, gamitan lang yan at gulangan)
Find a girl, settle down,
If you want you can marry.
Look at me, i am old, but i’m happy.(gayahin mo kaming mga trapong tongresman, mukhang mga buwaya pero an daming chiks, pera pera lang yan)
(son– away away away, i know i have to
Make this decision alone - no)
JOEY
All the times that i cried, keeping all the things i knew inside,(buti pa si joey nababagabag, si abalos,mike arroyo et al kaya nakakatulog pa?)
It’s hard, but it’s harder to ignore it.
If they were right, i’d agree, but it’s them you know not me.
Now there’s a way and i know that i have to go away.
I know i have to go.
(father– stay stay stay, why must you go and
Make this decision alone?)(at hindi na nga napigil ni JDV si joey sa pagtestigo sa laban sa mga KUMPARE nito….abangan ang susunod na kabanata..

ps..pakinggan nyo na lamang sa ibang site ung audio nito ha,di ko kasi ma imbed.